Friday, July 23, 2010

Bye- for now...

So I deactivated my facebook account... What now?

Honestly, hindi ko naman expected na ganun na pala eh...
Masakit marinig/mabasa yung mga yun galing sa kanila...
Oo, totoo, hindi nga ako makakapag-focus sa studies ko...
Pero hindi lang yun eh. May computer/internet man o wala, hindi pa rin ako makakapag-focus.
Sakit ko na nga ata...
Sa tingin ba nila gusto ko 'tong nangyayari sa akin?
Syempre naman, hindi.
Of course naiisip ko din naman lahat ng naaapektuhan sa mga ginagawa ko...
Pero ano bang magagawa ko? Yun talaga eh...
Malas ko lang siguro talaga na kapag nag-aaral ako eh mas wala akong naisasagot kung ikukumpara sa paggamit ko ng stock knowledge...

Ang babaw ko siguro kasi umiiyak na ako ngayon.
Ano ba naman na masabihan ka ng totoo di ba?
Pero siguro kasi, kasama na din dun yung pasaling na may mali na talaga sa ginagawa ko...

Sige, concerned na kayo't lahat...
Pero hindi niyo naman alam kung bakit ganito na ako di ba?
Wala naman kayong alam...
Yes, lumaki akong kasama kayo... Pero hanggang anong edad lang ba?
Were you there nung halos ibigti ko na yung sarili ko dahil sa dami ng pinagdadaanan ko sa school?

Of course, buhay ko na ang computer and internet so may isa akong imi-maintain na account...
Twitter? Yes. Yun na lang...
Yes... Hindi na din muna talaga ako maga-update ng blog ko...
Nakakalungkot for my part... Isang malaking tinik naman siguro ang nawala from them...

Don't worry, from tomorrow onwards, eh yung gusto niyo na ang gagawin ko...
Pero wag niyo akong sisisihin kung mabaliw ako sa pag-aaral okay?

I won't give up on my fandom because it makes 25% of who am I now.
And matagal bago ako maka-move on sa 25 % na yun...
Moreover, baka tuluyan na din akong bumigay if ever.

Right...
From now on, unless may account kayo sa twitter eh wala na kayong maririnig from me...

I love you~ ♥

Ginawa ko na lahat para lang di ako masaktan...
Wala naman kasing magsasabi sa akin ng mga pampalubag-loob, bukod sa akin eh...
Wala naman kasing nakakaintindi sa akin kaya kahit may magsabi nun eh kulang pa din...
Na-reach ko na yung limit ko...
Di ko na kayang protektahan yung sarili ko...
Nasasaktan na ako ngayon...